Nagsimula ang bandang MilesExperience bilang isang blues band noong 2011. Binago nila ang kanilang tunog at style noong 2014 at gumawa ng musikang indie at alternative.
Dahil sa kanilang kakaibang tunog, napili ang isa sa kanilang mga awit bilang official theme song ng GMA morning adventure series na Wolfblood.
Hango ang kanilang kantang "Anggulo" mula sa kanilang debut album na Again & Against.
Song: Anggulo
Artist: MilesExperience
Album: Again & Against
Label: MCA Music, Inc.
Publisher: Universal Music Publishing Phils.
Ang MilesExperience ay binubuo ng mga miyembrong sina Miles Bondoc (vocals and guitar), Tim Dadivas (drums), Ian Diaz (bass), Guido Hizon (keyboards), at Justin Teaño (guitar) na kapwa graduates mula sa UST Conservatory of Music.
Abangan ang kanilang awit sa Wolfblood, simula February 14, bago ang The Big One sa GMA!
MORE ON 'WOLFBLOOD':
Wolfblood: Simula na ng hunting season
IN PHOTOS: Sumama sa wild adventures ng 'Wolfblood'