
Ani Miriam, sumali siya sa Miss Universe to overcome her stage fright.
Malaki raw ang naitulong ng pagkapanalo ni Miriam Quiambao bilang first runner-up ng Miss Universe noong 1999 sa kanyang career.
Paggunita sa ulat ng 24 Oras, naging instant favorite si Miriam mula sa swimsuit competition, pati na sa pagrampa suot ang evening gown at pagsalang sa question-and-answer portion. Matatandaan ding sa pre-pageant evening gown competition ay nadulas ang Pinay beauty queen, ngunit madali rin siyang tumindig na puno ng poise.
Ani Miriam, “It’s a symbol of resilience of Filipinos, and ganun naman talaga tayo ‘di ba. Kung ano-anong kalamidad na dumating sa bayan natin, pero nand'yan pa rin tayo’t bumabangon.”
“Marami akong insecurities noon, at ‘yung pagkakataon para sumalang sa beauty pageant ‘yung isa sa mga paraan ko para to overcome my stage fright,” patuloy niya.
Naging daan ang kanyang paglahok sa Miss Universe para umusbong ang kanyang career bilang isang artista at TV host. At tulad ng kanyang pagkakadapa sa naturang pageant, bumangon din si Miriam matapos maranasan ang ilang hamon sa kanyang buhay, pati na ang paghihiwalay nila ng kanyang unang asawa.
Wika niya, “Nalampasan ko ‘yung balakid na ‘yun, and who would have known na isa na akong professional TV host, professional speaker, at marami na akong naabot.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON MIRIAM QUIAMBAO:
READ: Miriam Quiambao, nagbigay ng tips para sa pagsagot ng mga tanong sa beauty pageant
IN PHOTOS: 12 beauty queens na pinag-usapan sa social media