What's Hot

WATCH: Miriam Quiambao, tinawag na milagro ang kanyang ipinagbubuntis

By Gia Allana Soriano
Published December 29, 2018 1:32 PM PHT
Updated December 29, 2018 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa edad na 43 years old, isang milagro para kay Miriam Quiambao ang kanyang pagbubuntis.

Sa edad na 43 years old, isang milagro para kay Miriam Quiambao ang kanyang pagbubuntis.

Sa isang interview with Rhea Santos sa Tunay Na Buhay, naikuwento niya na muntik na siyang dumaan sa In Vitro Fertilization or IVF, dahil hindi inaasahan ng dalawa na mabubuntis si Miriam sa natural na paraan.

Aniya, "Nag-pregnancy test muna ako. Pag-test kong ganyan, lumabas yung isang linya, dalawang linya. [Napasigaw ako ng] "Babe! I'm pregnant!." Kalaunan ay nalaman ni Miriam na six weeks and one day pregnant na pala siya. Kuwento pa niya, "Para kaming mga bata [nung malaman namin.]"

Nagpasalamat din ang magasawa sa Diyos sa pagsagot sa mga dasal nila. Ika niya, "Binuhusan din namin ng pagdadasal ito. And to think na 43 years old na ako, there are only one to two percent chances for a woman like me to get pregnant."

Panoorin ang highlight clip sa Tunay Na Buhay: