
Aminado ang beauty queen na dati pa ay tagahanga na siya ng Pambansang Kamao.
Bukod sa kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at inang si Mommy Dionisia, special guest ni Manny Pacquiao sa kanyang katatapos lang na boxing match si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Aminado ang beauty queen na dati pa ay tagahanga na siya ng Pambansang Kamao kaya naman masaya siyang masaksihan ang laban nito sa personal.
Wika ni Pia, “I always watch his fight back in the Philippines, but now I get to see it in person so I’m just really excited and I know he’s gonna do so well and gonna make us, the whole country proud again.”
Nagkaroon din siya ng pagkakataong maka-selfie si Manny. Pagbati niya, “Thank you @mannypacquiao. It’s a proud moment for the Philippines once again! You’re truly an inspiration!”
Nagpasalamat naman ang assistant trainer ni Pacman na si Buboy Fernandez sa beauty queen.
Pahayag niya, “Nagpapasalamat tayo sa mga taong sumuporta. Nagpapasalamat din kami sa suporta po ng ating Miss Universe. Dumating talaga. Talagang kumpleto na kami. Sa totoo lang po, sa susunod sana andito pa rin ‘yung Miss Universe natin. Lucky charm namin.”
MORE ON PIA WURTZBACH:
WATCH: Pia Wurtzbach confirms Miss Universe pageant will happen in the Philippines
IN PHOTOS: 12 beauty queens na pinag-usapan sa social media!