
Dismayado din ang designer na si Val Taguba sa pag-leak ng gown na idinisenyo niya para sa Miss Universe hopeful na si Rachel Peters.
"She felt betrayed kasi during that time, ang lahat ng tao na nandoon sa fitting, pinagusapan namin na walang lalabas, walang magli-leak na pictures," pahayag ng designer.
Pero ang gown na nag-viral ay isa lang raw sa ilang bitbit ni Rachel para sa pageant.
"She brought five gowns. It's much better na doon na siya mag-decide which one to wear on what night," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: