
Kasalukuyang nasa bansa ngayon si reigning Miss World 2017 Manushi Chhillar para sa press conference ng Mr. World 2018. Dumating noong Lunes, April 30 ang Indian beauty at nakapaglibot na sa iba’t ibang parte ng Maynila.
Ibinahagi ng 20-year-old beauty queen na paborito niya ang San Agustin Church sa Intramuros at sinabi pang, “I really want to get married in that church. It’s beautiful, it’s old Spanish, it’s traditional, and it’s like a dream place to me.”
Abala siya ngayon sa mga hinandang activities ng Miss World Organization. Gaganapin naman ang male beauty pageant dito sa Pilipinas sa January 2019.
Video courtesy of GMA News