
Ngayong Linggo, September 3, kokoronahan na ang bagong Miss World Philippines na magre-represent sa bansa sa international beauty pageants. Isa si Kapuso actress Wyn Marquez sa mga kandidato kaya't sumabak siya at ilan sa kanyang co-candidates sa isang question-and-answer portion sa GMA News show na News To Go.
EXCLUSIVE: Wyn Marquez on Miss World PH 2017 journey: "I feel like a winner already"
Ang natapat na tanong kay Wyn ay tungkol sa paglaganap ng fake news sa social media. Ani Howie Severino, "You're active on social media. Ano'ng pananaw mo rito sa trolls? I'm sure you're getting your fair share of all kinds of fake news. Ano ang pananaw mo sa trolls and fake news?"
Alamin ang sagot ni Wyn sa video na ito:
Video courtesy of GMA News
Mapapanood ang Miss World Philippines 2017 coronation sa GMA 7 ngayong September 3 ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.