
Mula nang mapanood sa naunang Mulawin telefantasya ay nagustuhan na ni Marc Justine o MJ Alvarez ang character na Pagaspas. Naging idolo din niya ang gumanap na Pagaspas noon na si Miguel Tanfelix.
WATCH: Miguel Tanfelix, todo career sa muling paglipad ni Pagaspas sa 'Mulawin VS Ravena'
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, hindi daw inasahan ng child actor na dadating ang panahon na siya ang gaganap role na ito sa Mulawin VS Ravena. Sariwa pa rin daw kay MJ ang una nilang pagkikita ni Miguel. Nagkasama silang dalawa sa dating sitcom na Ismol Family.
"Sabi ko po kay Kuya Miguel, 'Kuya Miguel, picture po tayo.' Tapos niloko niya po ako, sabi niya 'Ayoko nga (laughs). Noong nasa Ismol Family po kami, laging asaran [ang bonding namin.], kami nina Kuya Kevin (Santos)."
May talento din si MJ sa pagguhit, at pangarap niya ang maging isang comic book maker tulad ni Stan Lee.