
Aminado ang 18-year-old The Clash hopeful na si Marlon Ejeda na biktima siya ng pambu-bully noon.
"Dati naranasan ko ang pangbu-bully ng mga kapitbahay ko. Tinatawag nila 'kong unggoy pero okay lang po 'yun at least wala akong tinatapakan na tao.
"At least alam ni Lord na wala akong ginawa sa kanila," kuwento niya sa isang panayam ng The Clash na napanood noong Linggo, October 20.
Bagamat naging tampulan ng pangungutya, hindi pinanghinaan ng loob si Marlon.
Ika niya, "Gusto ko patas po 'yung tingin ko sa tao. Pinagdarasal ko po sila. 'Yung pambu-bully nila is ginawa ko na lang motivation."
Kaya sa kanyang muling pagtungtong sa The Clash Arena, alay ni Marlon ang kanyang performance sa mga tulad niyang biktima rin ng pambu-bully.
Inawit niya ang kantang "Kapayapaan" na pinasikat ng Pinoy reggae band na Tropical Depression.
Natuwa naman ang The Clash panel sa performance ng binansagang "Mr. Hips."
WATCH: Kilalanin ang "Mr. Hips" ng 'The Clash'
Nakakuha rin siya ng standing ovation mula sa kanyang mga kapwa Clasher.
Panoorin ang buong performance ni Marlon dito:
WATCH: Rayver Cruz, nakipag-showdown kay "Mr. Hips"