
Ipinamalas ng mga kalahok ng Mr. World 2019 ang kani-kanilang mga talento at ang galing nila sa pagrampa sa isang fashion show.
Nanalo si Mr. Tonga Mikaele Ahomana sa Talent & Creativity kaya naman pasok na siya sa top 12 ng Mr. World 2019.
Nagkaroon din ng fashion show kung saan inirampa ng contestants ang Barong Tagalog at underwear ng isang clothing brand.
Pumasok sa top model shortlist ang pambato ng Pilipinas na si JB Saliba, kasama sina Mr. World Dominican Republic Alejandro Martinez, Mr. World England Jack Heslewood, Mr. World Venezuela Jorge Martinez, at Mr. World Mexico Brian Gonzalez.
Iginawad kay Mr. World Mexico ang Mr. Photogenic, samantalang ibinigay naman ang Best in Barong award kay Mr. World England.
"Absolutely ecstatic. And this barong looks incredible, I wanna bring some home to the UK," pag-amin ni Mr. World England.
Mapapanood ang coronation night ng Mr. World 2019 sa Setyembre 1, 10:30 ng gabi, sa GMA.