What's Hot

WATCH: 'My Korean Jagiya' star Alexander Lee, pinagkaguluhan sa Davao

By Bea Rodriguez
Published August 20, 2017 3:22 PM PHT
Updated August 20, 2017 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH secures P56.3-B investment, 10,300 jobs during Japan state visit, says DTI
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE
Fashion brand reimagines football fanwear through new collection

Article Inside Page


Showbiz News



Tuwang-tuwa ang mga Kapusong Davaoñes nang inawit ng Korean actor ang hit song na 'Bebot' ng The Black Eyed Peas member na si apl.de.ap.

May pusong Pinoy talaga ang dating K-Pop idol na si Alexander Lee. Kinanta ng My Korean Jagiya star ang isa sa mga hit songs ng The Black Eyed Peas member na si apl.de.ap, ang 'Bebot.' Ito ay tungkol sa buhay ng Filipino-American singer at inawit ito ni Alexander sa 32nd Kadayawan Festival ng ating Kapusong Davaoeños.

Ang kinagigiliwang KPop star, Alexander Lee ng My Korean Jagiya, kinantahan ang ating mga Kapuso sa Davao ng "Bebot" para sa kanilang 32nd Kadayawan Festival celebration. Siya ay mapapanood na natin gabi gabi simula sa Lunes, August 21 sa GMA Telebabad pagkatapos ng Mulawin Vs. Ravena. Sa sobrang enjoy nya sa durian , tinawag nya itong "My Durian Jagiya ". #KapusoKadayawanFestival #KapusoMallShow #GMARegionalTV

Posted by Kapuso Brigade on Friday, August 18, 2017

 

Dito nadiskubre ng Korean star ang kanyang hilig sa bagong prutas, “Sa sobrang enjoy [niya] sa durian, tinawag [niya] itong ‘My Durian Jagiya.’”

Mapapanood na sa GMA Telebabad ngayong Lunes (Agosto 21) ang witty actor sa Philippine-Korean TV series ng Kapuso network, ang My Korean Jagiya kasama ang Philippine TV sweetheart na si Heart Evangelista.