
Busy ngayon si Dennis Trillo sa kanyang bagong GMA Telebabad romcom na The One That Got Away. Kumusta naman kaya katrabaho ang kanyang leading ladies na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos?
Aniya, "Every taping may ibang makukulay na eksena kaming ginagawa dahil magkakaiba sila ng personalities, so 'yung character ko nag-a-adjust sa bawat isa sa kanila."
Ngayong stable na ang kanyang career, may balak na kaya si Dennis mag-settle down at magpakasal?
Ika niya, "Soon? Hindi pa siguro soon. Pero, well, malalaman n'yo rin 'yun kapag nangyari na. Huwag na lang sila mainip, darating din 'yun, makikita n'yo rin 'yung gusto n'yo makita."
Panoorin ang buong interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News