
Nagsimula na ang pagpapalabas ng all-new episodes ng GMA primetime series na Love Of My Life.
Sa episode nito noong Huwebes, January 21, nagkunwaring may sakit si Edong (William Lorenzo) sa kanyang anak na si Kelly (Rhian Ramos) para makakuha siya ng pera mula rito.
Naging malambot ang puso ni Kelly sa ama dahil sinabi nitong may cancer ito, ang sakit na kumitil sa buhay ni Stefano (Tom Rodriguez), kaya naman kahit anong hiling ng ama ay handa niyang ibigay para gumaling ito.
Idinaan ni Kelly sa pag-inom ang kanyang problema. Lasing na lasing siyang umuwi sa mansyon kaya naman tinulungan siya ni Nikolai (Mikael Daez) na pumanhik sa kanyang kwarto.
Pero bago pa man sila makaakyat, nahalikan ni Kelly si Nikolai dahil sa kalasingan at nakita ito ni Adelle (Carla Abellana).
Panoorin ang mga eksenang iyan sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load nang maayos, maaari itong panoorin dito.
Unang umere sa telebisyon ang Love Of My Life noong Pebrero. Matapos ang isang buwan, nahinto ang pagpapalabas ng serye dahil natigil ang produksyon nito sanhi ng enhanced community quarantine.
December 28 nang magbalik ang serye sa telebisyon. Bilang refresher, muling ipinalabas ang mga dating episodes nito sa loob ng 15 araw.
Patuloy na subaybayan ang Love of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Ang Love Of My Life ay pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Ms. Coney Reyes.