
Pumanaw na ang isa sa mga tinaguriang haligi ng Manila Sound, ang member ng bandang The Hotdog Band na si Dennis Garcia, 69, nitong Sabado, January 18.
Hotdog band's Dennis Garcia passes away
Mas kilala bilang Hotdog, itinatag at sumikat ang banda noong mid-1970s. Ang una nilang album na pinamagatang “Unang Kagat” ay inilabas noong 1974 ng Villar Records.
Binubuo nina Dennis, kapatid nitong si Rene Garcia, at ng mang-aawit na si Ella del Rosario ang Hotdog. Tinangkilik ng masa ang good vibes nilang awitin gaya ng “Manila,” “Bongga Ka Day,” “Annie Batungbakal,” “Beh Buti Nga,” at marami pang iba.
Kasalukuyang nakaburol ang mga abo ni Dennis sa Heritage Memorial Park sa Taguig.
Maraming mga kasamahan sa industriya, kaibigan, at kamag-anak ang bumisita sa burol ni Dennis. Ilan sa mga ito ay sina Department of Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, Ali Sotto, Richard Merck, at ang kapatid niyang si BCDA chairman Greg Garcia.
“Nakaka-miss 'yung may nakakausap kang mahal 'yung bansa, may malasakit, at 'yung gusto lang ay kung anong ikagaganda ng bansa,” pahayag ni DoT Sec. Bernadette.
Sabi naman ni Ali, “Madalas 'yung mag-text na, 'Ang galing mo! Wow!' So ikaw, dahil may naniniwala sa 'yo, nagkakaroon ka naman ng kumpiyansa sa sarili mo.”
“Napakabait at humble genius, matulungin” naman ang paglalarawan sa kanya ni Richard.
Samantala, inalala naman ni Isa Garcia, anak ni Dennis, ang iconic singer sa isa sa mga post nito sa social media.
Same same but different. Wish I had your music skills but glad I have your songs. Love you, pops. pic.twitter.com/zPEGYFQO2Q
-- isa g. (@__isagarcia) January 19, 2020
Sabi niya, “Same same but different. Wish I had your music skills but glad I have your songs. Love you, pops.”
Pumanaw si Dennis mahigit isang taon makaraang bawian ng buhay ang kapatid niyang si Rene dahil sa atake sa puso noong September 7, 2019 sa edad na 65.
Alalahanin ang OPM icon na si Dennis Garcia sa 24 Oras report na ito: