What's Hot

WATCH: Naniniwala ba ang Kapuso stars natin sa "meant to be"?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Noel Bazaar offers local products for Christmas gift shoppers
Pipila ka mga Vendors sa Pabuto, Namaligya Gihapon Duol sa mga Panimay | Balitang Bisdak
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News



#MeantToBe

Ika nga ni “Abs ng Bayan” Jak Roberto, “Sa pagsubok na maranasan mo sa paghanap ng right for you, lagi may nakalaan, laging may meant for you.”
 
Agree kaya dito ang kapwa niya Kapuso stars na bibida sa upcoming GMA Telebabad show na Meant To Be?

 

Maraming salamat @gmanetwork @artistcenter ???????? Ang aking mga ka- #MeantToBe ?????? Soon on #GMAPrimetime

A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


“Para sa akin, you just don’t meet someone for nothing. There’s always a reason—either good or bad, that person has something to teach you,” saad ni Kapuso Primetime Drama Princess at lead star na si Barbie Forteza.
 
READ: Bakit sinasabing “mahaba ang buhok” ni Barbie Forteza?
 
Things in life happen for a reason naman ayon sa dating Destiny Rose star na si Ken Chan, “Lahat ng nangyayari sa akin ngayon [ay] meant to be. Kung bakit ako nandito ngayon, kung ano ang mga nagawa ko ngayon sa GMA, sa tingin ko meant to be [at] destiny ko [ito].”
 
READ: Sino kina Jak Roberto, Ken Chan, Ivan Dorschner at Addy Raj ang inyong ka-‘Meant To Be?’
 
Patungkol naman sa karera ang sentro ng pahayag ni Jak, “Naniniwala ako sa meant to be kasi ito na, nandito na kami. Siyempre, kailangan mo ring i-work out bago ka mapunta dun.”
 
Ang definition of home naman ang nahanap ng baguhang Kapuso actor na si Ivan Dorschner, “Sa pag-iikot ko ng mundo natin, I’ve found a nice comfortable place here. Masaya po ako.”
 
Ngunit, magkasalungkat naman ang pananaw ng Indian national na si Addy Raj, “I just believe in hard work. When it comes to relationships, I don’t go with meant to be, [but] I see the compatibility.”
 
Excited na ang cast sa unang primetime offering ng GMA ngayong 2017, lalong-lalo na ang only girl na naghahanap ng kanyang “the one.”
 
Ani Barbie, “I’m very honored na pinagkatiwalaan ako ng GMA, and actually, pinagkatiwalaan pa nila ako to choose personally my guys.” 


Video courtesy of GMA News