
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, matutunton ni Gabriel ang bahay na tinitirahan ni Almiro.
Bumalik si Gabriel sa Tierra Fuego upang hanapin ang sugo na anak nina Alwina at Aguiluz. Nais ng mga Ravena na paslangin si Almiro at ito ang misyon ng hari ng Halconia. Malalaman ni Alwina ang pakay ni Gabriel at babalaan niya si Almiro. Paano niya ito sasabihin sa anak?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.