
Sulit sa katatawanan ang comedy sketch ng Bubble Gang kung saan ini-spoof ni Michael V ang Kapuso game show master na si Kuya Willie Revillame.
Ang video ng kaniyang karakter na Kuya Wowie sa Holdapan Game Show ay certified trending at may mahigit one million views na sa Facebook.
Tuwang-tuwa rin ang mga Kapuso netizens sa mahusay na panggagaya ng Kapuso comedy genius sa Wowowin host.