
Muling nag-viral ang Instagram video ng guwapong Argentinian husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.
Sa Instagram post niya, ipinasilip nito ang progress niya sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Umabot na sa mahigit 94,000 views ang video na ito ni Nico.
Bukod sa pagiging funny ni Nico na marunong gumamit ng salitang beki gaya ng "echos lang," pinuri din ng mga netizens ito sa binibigay na effort nito na pag-aralan ang Filipino kahit isa siyang foreigner.
MORE ON NICO BOLZICO:
15 funniest Instagram captions of Nico Bolzico
LOOK: 12 sweetest photos of Solenn Heussaff and Nico Bolzico