What's on TV

WATCH: Nora Aunor applauded for her tearful performance in 'Onanay'

By Jansen Ramos
Published February 19, 2019 4:07 PM PHT
Updated February 19, 2019 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



"As powerful as 'My Brother is not a pig!'"

"Legendary"

Nora Aunor
Nora Aunor

'Yan ang nangingibabaw na pahayag ng netizens matapos mapanood si Superstar Nora Aunor sa February 18 episode ng hit GMA series na Onanay.


Umani ng papuri sa Twitter si Nora, o mas kilala bilang Ate Guy, dahil sa kaniyang makabagbag-damdaming pag-arte matapos malaman ang pagkamatay ng kaniyang kapatid sa serye na si Dante.

Ginagampanan ni Nora ang karakter na si Nelia, samantalang si Gardo Versoza naman ang gumaganap bilang Dante.

WATCH: Dante's heartbreaking death marks Gardo Versoza's exit from 'Onanay'

One of TVs finest scene is happening now... Galing mo talaga Ms. Nora Aunor! Slow clap... #OnanayKinatatakutan


Ayon sa ilang netizens, naalala raw nila sa nasabing eksena ang iconic scene ng Superstar sa 1976 classic film na Minsa'y Isang Gamu-Gamo, kung saan sumikat ang mga linyang "My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko'y tao, hindi baboy-damo."


Back-to-back trending din sa Twitter ang nakaraang episode ng Onanay at ang pilot episode ng Kara Mia.

Pilot episode ng Kara Mia, trending agad

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Onanay pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad.