
Isa si Manuel Papillera, o mas kilala sa kanyang stage name na Bona, sa mga sumikat na Nora Aunor impersonators bukod kina Ate Gay at Teri Onor.
Pero kung aktibo pa sa larangan ng showbiz at maging sa mga comedy bars ang mga ito, tila simpleng buhay naman ang pinili ni Bona.
Bago pumasok sa showbiz, minsan na rin kasi siyang naging parlorista, sa ilalim pa ng isang tanyang na celebrity makeup artist.
"Dahil kapitbahay ko si Bambbi Fuentes, bata pa lang kami magkaka-chika na kami sa Project 6. Nagka-parlor siya sa Timog, kiuha niya ko," kuwento ni Bona.
Binalikan niya ang kanyang mga natutunan sa parlor at kasalukuyan siyang rumaraket bilang taga-gupit ng buhok.
Layunin daw niya ngayong makapag-ipon para makabili ng sariling bahay.
"Hindi ko naisip na mag-business eh. Dati nagba-bangko ako. Pero ayoko mang sabihin sa sarili ko pero ang katotohanan, may pagka gastador ako," paliwanag niya.
Panoorin ang feature ng Reel Time kay Bona: