
Bibida sina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff sa Mother’s Day offering ng Regal Films na My 2 Mommies.
Gaganap si Paolo bilang Manu, isang beki na nagkaroon ng anak sa character ni Solenn na si Monique. Iikot ang kuwento sa pagiging mommy ng dalawang Kapuso stars sa batang si Tristan.
Kaya nga ba ng isang pamilya na magkaroon ng dalawang ina? Panoorin:
Mapapanood din sa My 2 Mommies sina Maricel Soriano at Joem Bascon. Ito ay mapapanood sa cinemas nationwide simula May 9.