
Sa recent episode ng Tonight with Arnold Clavio (TWAC), sinubukan ni Igan ang galing sa pag-arte ng Kapuso teen stars na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa TWAC Acting Challenge.
Ayon kay Igan, “Sa araw-araw nating buhay hangga’t sa maari ayaw nating naiinis o nagtataray ‘di ba?”
“Totoo po ‘yan,” sagot ni Kyline.
Dagdag ni Igan, “Pero minsan talaga kailangan itong gawin para itama ‘yung maling ginagawa nila sa atin.”
Binigyan ang dalawang stars ng ilang sitwasyon tulad ng pangungulit ng isang pulubi o pagpapasaway ng isang moviegoer. Ipinakita naman nina Kyline at Pauline ang kanilang panalong taray reaction.
Panoorin ang kanilang real-life taray reactions sa TWAC: