
Kumasa sa #Kwentuhang-ex ng Unang Hirit ang tatlo sa hottest Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Lovi Poe at Max Collins.
Dito, ibinunyag ng mga aktres kung paano sila makitungo sa kanilang mga naging ex-boyfriends.
“You try to be civil because it’s like a way of showing respect,” ang sabi ni Lovi na #grateful sa kanyang ex.
#Mistake naman para kay Max ang kanyang ex, “I’m not friends with my ex.”
#LessonLearned naman para kay Rhian ang kanyang mga past relationships. Kuwento niya, “Meron akong friends sa mga ex ko. When you let go of the immature feeling, you can actually be really good friends because you can appreciate them in a more positive way.”
Pinag-usapan rin ng girls ang kanilang friendship at ang kanilang standards sa kanilang mga manliligaw.
Video from GMA News