What's Hot

WATCH: Paano na-discover si That's My Bae Kim Last?

By Gia Allana Soriano
Published August 12, 2018 10:00 AM PHT
Updated August 12, 2018 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang humble beginnings ni Kim Last? Alamin sa 'Tunay na Buhay.'

Bata pa lang ay pangarap na ni Kim Last na maging artista kaya sinubukan niya ang kanyang suwerte sa Pilipinas. Ano ang ginawa niya noon upang ma-discover?

Kuwento niya, "Nalaman ko po na may mga artistang na-discover sa audience, 'di ba?
So, 'yung lola ko super super super supportive."

Kaya naman daw dati pumipila sila upang makanood ng mga palabas sa studios. Dito ay may nakilala siyang dancer at nakapag-perform kasama ang grupo. Ngunit nang 'di umusad ang kanyang career after ilang buwan, naisipan niyang bumalik na ng London.

Aniya, "'Yung mama ko sabi niya, 'One year.' Kasi sayang din mga grades ko [sa] London. Super mataas din po. Not to brag or anything."

Kalaunan ay nakasali siya sa That's My Bae ng Eat Bulaga, at nag-click ang mga contestants sa mga viewers. Dito ay nagsimula nang makilala si Kim Last, nakakuha na rin ng iba't ibang roles at guestings ang binata sa mga Kapuso shows.

Nagkuwento rin siya tungkol sa relationship niya with his fellow Dabarkads, Aniya, "Super walang plastikan, walang showbiz, family ko sila."

A post shared by Kim Last (@tmb_kim) on


Ano pang mga roles ang gustong i-try ni Kim? Kuwento niya, "General Shang from Mulan. 'Pag magkakaroon ng Mulan sa theaters, talagang mag-a-audition ako for General Shang."

Panoorin ang interview ni Kim sa Tunay Na Buhay:

Video courtesy of GMA Public Affairs