
Kahit tila marami raw nakain ngayong holiday season ang aktres na si Andrea Torres, very sexy pa rin ang Kapuso star. Paano nga ba niya na-maintain ang kanyang figure?
Aniya, "Hinahayaan ko 'yung sarili ko i-enjoy 'yung pagkain. Tapos after bibigyan ko rin naman 'yung sarili ng time na mag-train, bumalik sa gym."
Game man sa pagkain si Andrea, binabawi naman niya sa kanyang training sa gym at iba't ibang exercises tulad ng Pilates, Muay Thai, at boxing.
Still, healthy diet pa rin daw siya in the end. Ika niya, "Iwas ako sa anything naka-pack, siguro. 'Yung marami salt. Kung puwedeng fresh, kung puwedeng ikaw 'yung gumawa ng food mo, mas okay."
Panoorin ang full report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News