What's Hot

WATCH: Paano pinag-ipunan ni Jak Roberto ang bago niyang SUV?

By Gia Allana Soriano
Published December 20, 2017 9:57 AM PHT
Updated December 20, 2017 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin!

Dahil sa kanyang sipag at patuloy na pagpupursigi, nakapagpundar na rin si Kapuso actor Jak Roberto ng isang black pickup, ito raw ang kanyang early Christmas gift para sa kanyang sarili ngayong Pasko. 

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on


Aniya, "Siya 'yung lagi kong, kungbaga doon na rin ako natutulog, doon na ako lagi, 'yun lagi ginagamit ko kung saan man ako magpunta: sa taping, sa mga segway, basta sa work. So, parte ng trabaho naman."

Naikuwento rin ni Jak na todo tipid siya para makaipon upang mabili ang kanyang bagong sasakyan. Paliwanag niya, "Bawas sa mga hindi kailangan gaya ng mga mamahaling coffee, 'yung mga sapatos."

Next goal naman ni Jak ay ang mabigyan ng bahay at lupa ang kanyang pamilya.

Binahagi rin ni Jak ang Christmas plans nilang dalawa ni Sanya Lopez. Ika niya, "Sa mismong December 25 pupunta kami doon [sa Bulacan] sa lola ko, sa mommy ko. Doon namin idi-distribute na 'yung regalo."

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News