
Ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas ay ang unang araw ng Semana Santa.
At sa Vatican, nasaksihan ni Unang Hirit host Susan Enriquez ang pagdiwang ng Palm Sunday na pinangunahan mismo ng Santo Papa.
Doon, sinisimulan ang Linggo ng Palaspas ng isang mahabang prusisyon kasama ang iba't ibang kardinal at pari na nakakulay pula o ang kulay na sumisimbolo sa pagpapasakit ni Hesus.
Nagbigay din ng basbas si Pope Francis sa mga dumalo pagkatapos ng misa.
Ayon kay Susan, kakaiba raw ang experience ang ipagdiwang ang Palm Sunday kasama ang Santo Papa.
Maliban dun, napansin din niya ang mga pagkakaiba sa pagdiwang ng nasabing selebrasyon.
Aniya, "Kapag palaspas ang talagang ginagamit natin ay yung murang dahon ng niyog.
"Pero dito, ang karamihan sa ginagamit nila ay yung sanga ng puno ng olive."
Dagdag pa niya, may naganap pang rehearsal bago ginawa ang misa upang makasunod ang mga taong hindi nakakaintindi ng wikang Italyano.
"Iba-iba man ang wika at lenguaheng binibigkas ng mga dumalo kanina, iisa lang ang naiintindihan namin at lahat nagkakaunawaan na ito ay isang bagay na dapat ipagdiwang ng lahat ng dumalo sa misa kanina sa St. Peter's Square."
Panuorin ang buong ulat ni Susan Enriquez mula sa Vatican City: