
Ilang beauty queen hopefuls ang magiging 'pageant repeaters' sa muli nilang pakikipagsapalaran sa 57th edition ng Binibining Pilipinas beauty pageant.
Isa na dito si Vickie Rushton ng Negros Occidental na pangatlong beses nang sasali sa pageant.
"Since the announcement of Miss International that they increased the age requirement, I saw it as a sign to try again. 'Pag may hope pa, try lang nang try," pahayag niya.
Second time naman na sasali sa pageant si Patricia Garcia ng Manila na mas confident na daw ngayon.
"I already know the activities, ano na 'yung kailangan i-prepare. Siguro that's why I'm more complacent now and medyo mas relaxed na compared to before," aniya.
Nagbabalik din si Honey Grace Cartasano ng Rizal na mine-mentor pa ni Eat Bulaga Dabarkads Paolo Ballesteros.
"More focused sa pasarela training, sa communication skills, sa styling, and of course sa health kasi importante 'yun. No matter na kahit gaano ka kagaling maglakad, if you're not healthy wala din siya," paliwanag niya.
Last year huling nag-compete ang Fil-Aussie beauty na si Hannah Arnold ng Masbate.
"A lot of people were telling me to be more fierce, be like Pia (Wurtzbach) or Catriona (Gray), but I'm Hannah. I'm being more myself, very feminine," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: