
Ngayong gabi sa Encantadia, sisimulan na nina Emre at Cassiopea ang paghahanap sa nawawalang sandata ni Bathalumang Haliya. Makapangyarihan ang sandata na ito at sa tulong nito ay maaari nilang matalo ang tatlong bathalang sumakop sa Devas.
Noon ay nagpasya si Bathalumang Haliya na ilayo ang kanyang makapangyarihan sandata nang manirahan siya sa buwan. Itinapon niya ito sa mundo at hindi na niya batid kung saan ito napunta. Kailangang hanapin nina Emre at Cassiopea ang De-jar na pagmamay-ari ni Haliya dahil unti-unti nang gumagapang ang lason na ibinigay ni Ether sa kanila na maaari nilang ikamatay.
Encantadia Teaser Ep. 198: Lireo at Sapiro... by encantadia2016
Abangan 'yan mamaya sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on April 20
Encantadia: Pagsaklolo ni Bathalumang Haliya | Episode 197
WATCH: Jinri Park at Sheree, mga bagong sexy kontrabida sa 'Encantadia'