What's on TV

WATCH: Pamangkin nina Raymond at RK Bagatsing, nais sundan ang kanilang yapak kaya sumali sa 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published March 6, 2019 2:45 PM PHT
Updated March 6, 2019 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Gustong patunayan ni Storm Bagatsing na may husay din siya sa pag-arte, tulad ng kanyang mga tiyuhing sina Raymond at RK Bagatsing.

Gustong patunayan ni Storm Bagatsing na may husay din siya sa pag-arte, tulad ng kanyang mga tiyuhing sina Raymond at RK Bagatsing.

Kuwento ni Storm, "Pamangkin po ako ni Raymond Bagatsing and ni RK Bagatsing po. Gusto ko lang po i-follow 'yung footsteps nila. In-advice nila is go for it but 'di lang nila ako basta basta bibigyan ng break. I want to make my own name."

Kamakailan lamang umano na-realize ni Storm na subukang pasukin ang mundo ng showbiz sa pamamagitan ng pag-audition sa StarStruck.

"At first sabi ko kasi 'yun 'yung gusto nila eh. Iba 'yung gusto ko. Pero na-realize ko din nung after ilang years na maybe ito nga talaga. That's why nandito ako, nag-audition sa StarStruck."

Nilinaw rin ni Storm na gagawin niya ang lahat para patunayan ang kanyang sarili sa reality-based artista search.

WATCH: #TheStarStruckExperience goes to Davao and Dagupan

"Gusto ko po magtrabaho, mag-workshop ng sarili ko, matuto sa sarili ko at maging independent. Nasa dugo ko 'yan, acting. Hindi ko sinasabing magaling ako, ibibigay ko lahat sa StarStruck. Lahat gagawin ko."