Ipinakita ng mag-asawang sina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid kung paano sila mag-bonding bilang isang pamilya.
Sa Instagram account ni Ogie ibinahagi niya ang kanilang Pie Face Challenge kasama ang kanilang anak na si Nate ang kanyang anak kay Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid.
Unang sumabak sa challenge sina Ogie at Regine. Natalo si Regine at rinig na rinig ang tawa ng kanilang mga anak sa kanilang bagong activity.
Si Regine ay mananalo na sana sa second part ng kanilang challenge ngunit si Ogie ay hindi inabot ng pie sa kanyang mukha.
Sa #SiblingPieChallenge naman naglaban sina Leila at Nate. Natalo man ang bunso, nag-enjoy pa rin siya sa challenge.
Natalo naman ni Leila ang kanyang ama na si Ogie. Rinig na rinig ang cheer ni Regine sa kanyang stepdaughter para malagyan ng pie si Ogie.
MORE ON ALCASID FAMILY:
LOOK: Inside the mansion of Regine Velasquez-Alcasid and Ogie Alcasid
READ: Regine Velasquez, nag-react sa bashers kaugnay sa stepdaughter na si Leila Alcasid
LOOK: Regine Velasquez-Alcasid is a makeup artist in a fashion show!