
Sa susunod na episode ng Super Ma'am, susugurin nina Avenir at Rafa ang bahay ng mga Henerala upang hanapin ang mga sakras. Mahanap kaya nila ang mga ito at ang Manunggul Jar ni Dalikmata na kinuha ni Super Ma’am?
Samantala, hindi papayag si Minerva sa mga plano ng mga Tamawo kaya susugurin niya rin ang mga ito sa kanilang pamamahay. Mabubunyag na ba ang totoong pagkatao ni Super Ma’am?
Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am mamayang gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.