
Bagay na bagay kay Kapuso actor Pancho Magno ang kanyang role sa upcoming GMA Telebabad telefantasya na Victor Magtanggol.
Gaganap kasi siya bilang ang matikas at malakas na Norse god na si Modi.
"Ako ang anak ni Thor na ayaw niya. Ang character ko kasi dito 'yung god of war na mayroong inggit sa power," kuwento niya tungkol sa kanyang karakter.
Ikinagagalak daw niya magkaroon ng pagkakaktaon na gumanap sa ganitong role.
"Masaya 'ko kasi fan ako ng ganitong characters," aniya.
Panoorin ang buong interview ni Pancho sa exclusive online video na ito.