What's Hot

WATCH: Paolo Ballesteros, naging emosyonal sa kanyang surprise birthday celebration

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"Nakakataba lang ng puso...nakikita nila ‘yung effort na ginagawa ko.” - Paolo Ballesteros


Naging emosyonal si Paolo Ballesteros nang sorpresahin siya ng kanyang Die Beautiful co-stars para sa kanyang kaarawan.

Nasa press conference ng kanilang Metro Manila Film Festival entry si Paolo at ang kanyang mga katrabaho nang mangyari ang kanyang surprise birthday celebration. Dito ay napanood din niya ang isang video na puno ng mensahe ng iba pa niyang kasamahan sa industriya.

Bahagi ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “’Yun nga, nakakataba lang ng puso na coming from those people na I’ve worked with, and ‘yun, nakikita nila ‘yung effort na ginagawa ko.”

Sambit ng dabarkad, mala-rollercoaster ang kanyang naging taon. Matapos ang kanyang pagsikat bilang si Lola Tidora sa Eat Bulaga Kalyeserye, at sandaling pamamahinga mula sa programa, hindi niya akalaing darating ang pagkakataon na bibida siya sa isang pelikula at mananalo pa ng isang international award. Kuwento niya, nakikita raw niya ang kanyang sarili sa ilang elemento ng kuwento ng Die Beautiful.

‘Yung pagmamahal ko sa anak ko, of course she’s the love of my life ‘di ba tapos halos ka-edadan pa niya si Shirley Mae, ‘yung anak ko doon. Every scene with Shirley Mae, very close to my heart, and medyo nga nagkaka-blur ‘yung parang, ‘Ako ba ‘to? Teka lang. Parang ako na yata ‘to,” wika ni Paolo. 

Dagdag pa niya, “Of course, [my year will end on] a very high note. Like, wooooh!”

Video from GMA News

MORE ON PAOLO BALLESTEROS:

READ: Paolo Ballesteros, ibinahagi ang kuwento ng kanyang karakter na si Trisha sa pelikulang Die Beautiful

LOOK: Paolo Ballesteros, ipina-tattoo ang pangalan ng anak para sa kanyang kaarawan

IN PHOTOS: Paolo Ballesteros wows the crowd as Julia Roberts at the 2016 TIFF awarding ceremony