
Aminado si Kapuso star Paolo Ballesteros na nailang siya sa kissing scene nila ng kanyang 'Amnesia Love' leading lady na si Yam Concepcion.
Palabas na ang bagong pelikula na pinagbibidahan ng Eat Bulaga Dabarkad at talagang na-challenge daw siya sa kanyang role.
“Ang character [ko] kasi is bakla na naging lalaki pero sumusulpot-sulpot naman ‘yung pagka-bakla. Masaya naman,” kwento ni Paolo tungkol sa kanyang karakter sa romantic-comedy movie.
Ngayong showing na ang kanyang pelikula, focused naman si Paolo sa Eat Bulaga Lenten Special na naging tradisyon na ng numero uno at longest-running noontime show.
“We make sure na inspiring talaga ‘yung maipapalabas namin. Siyempre, nakikita niyo kami araw-araw sa [Eat] Bulaga [na] parang happy-happy lang [at] nagbibigay saya. Tapos [sa Lenten Special] makikita mo, maiiyak si Bossing. Nakikita nila ‘yung maipapakita namin [na] different side namin,” paliwanag ng komedyante na priority ang kanyang commitment sa Eat Bulaga.