
Dream come true para kay Eat Bulaga Dabarkad Paolo Ballesteros na makapagpatayo ng bahay na katas ng kanyang pagod, puyat at pagsisikap.
Bagong tayo ang modern house ng Kapuso star na may sariling walk-in closet. “I made sure na ako ‘yung mamimili, kaming dalawa ng architect. I’m so happy kasi nakuha ‘yung gusto ko, and may mga dinadagdag pa kami [kasi] ‘di pa siya tapos kaya ‘di ko pa napapakita sa Dabarkads.”
Mahilig mag-host si Paolo ng family gatherings kaya may plano pa siyang magpagawa ng pool sa kanyang dream home. Dagdag ni Paolo, “Sobrang init [at] ‘yung mga bagets [ay] mahilig mag-swimming so we’re planning to put up a pool somewhere doon na maliit lang.”