What's on TV

WATCH: Paolo Contis at Jak Roberto, tinuruan si Analyn Barro ng 'hokage moves'

By Aedrianne Acar
Published January 29, 2021 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX offers free toll on Christmas, New Year
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ladies Room


Paolo Contis: “For me, ang babae nire-respeto yan, kaibiganan mo, get to know her.”

Madalas natin naririnig ang salitang “hokage moves” sa mga lalaki, pero ano ba talaga ang ibig sabihin nito?

Puwes, inalam ng Bubble Gang babe na si Analyn Barro sa mga kapwa niya Kababol guys, kung ano sa tingin nila ang “meaning” ng hokage moves.

Photo taken from YouLOL Youtube page

Sa exclusive YouLOL video, isinalarawan ng Kapuso hottie na si Jak Roberto kung paano ba ginagawa ng isang lalaki ang “hokage moves”.

Paliwanag niya kay Analyn, “Ang tawag mo diyan 'yung mga suwabeng diskarte ng mga guys sa mga girl.. mga smooth na galawan yan!”

Para naman sa versatile actor and comedian na si Paolo Contis, gusto niya payuhan ang mga kapwa lalaki na i-tama ang negatibong dating ng salitang “hokage moves.”

Ani Paolo, “Na-ano natin yan 'yung mga hokage moves 'yung mga kabastusan ng lalaki, mga pasimpleng tiyansing, pasimpleng hawak.”

“Pero guys, mali yan!

“For me, ang babae nire-respeto yan, kaibiganan mo, get to know her. Wala ng kalokohan, mga tiyansing-tiyansing. Let's be gentleman.”

Alamin ang iba pang opinyon ng Bubble Gang boys tungkol sa hokage moves sa video above o panoorin DITO.

Stay updated sa mga latest and exclusive online videos ng number one comedy channel sa YouTube na YouLOL by visiting GMANetwork.com.

Related content:

Ready ka na ba magpaturok ng "bak-ccine" sa 'YouLOL Comedy Night Live'?

WATCH: 'Try Not to Laugh' challenge with 'The Cray Crew' boys

WATCH: Pilot episode of 'The Cray Crew'