
Nakisaya at nakipagkulitan ang Kapuso stars na sina Lauren Young at Paolo Contis sa Kapuso ArtisTambayan. Dito, tinanong sila ng isang netizen na kung mabibigyan sila ng pagkakataon na manghiram ng anak, sino raw ito?
Para kay Lauren, ang nais niya raw hiramin ay ang anak nina Saab Magalona at Jim Bacarro na si Baby Pancho Magalona.
Aniya, "Para siyang burrito, we call him Pancho burrito. Sobrang laki ng cheeks niya, mukha siyang floatie. 'Pag nilagay mo siya sa pool, mag-fo-float lang 'yung fez niya. And super bait niya, hindi siya umiiyak. Nagpapabuhat lang siya."
Ayon naman kay Paolo, ang batang nais niya raw "hiramin" ay ang anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow..
"Ako siguro, hihiramin ko si Scarlet. Tapos hihingi ako ng ransom. Kinidnap si Scarlet? 'Hello Hayden, 'di ko ibabalik 'yung anak mo. Akin na 'yung range rover mo.' 'Pag nagbayad ibabalik ko sa'yo," biro ni Paolo.
Panoorin ang laughtrip na Kapuso ArtisTambayan session ng mga Hiram Na Anak stars na sina Paolo Contis at Lauren Young below: