What's on TV

WATCH: Paolo Contis' hot and jaw-dropping performance of "Mr. Suave" in 'Bubble Gang's 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story'

By Aedrianne Acar
Published November 20, 2017 2:52 PM PHT
Updated November 20, 2017 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ilan lamang sa celebrities na nag-react sa performance ni Paolo Contis ay ang girlfriend niyang si LJ Reyes at si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Pinatunayan ng versatile actor na si Paolo Contis na hindi lamang sa aktingan siya may ibubuga, kung 'di pati na rin sa pagkanta at pagsayaw.

Noong Biyernes, November 17, nasaksihan ng mga Kapuso ang hot and all-out rendition niya ng classic Parokya Ni Edgar hit na "Mr. Suave" sa Bubble Gang 22nd annivesary special episode na Parokya Bente Dos: A Laugh Story.

 

Sa Instagram post ni Paolo, taos-puso siyang nagpasalamat sa creative director ng gag show na si Michael V dahil sa lahat ng itinulong nito sa kanila sa Bubble Gang. Dagdag pa niya na isang karangalan daw na makasama sa stage ang Kapuso comedy genius.

Ani Paolo, “At sa 'yo Kuya @michaelbitoy, it is an honor and a privilege to share the stage with you. Salamat sa tiwala mo sa 'kin. At salamat dahil never mong ipinagdamot ang iyong mga nalalaman at galing. Thank you for being a mentor and a friend.”

 

Hindi po madali i-mount ang #BGParokya22 ???? halos lahat kami ay bahagi ng iba pang mga shows kaya mahirap mag rehearse ng magkakasama at buo. Mapalad kami dahil may mga nag tiyaga na tumulong at gumabay sa amin para mabuo namin ito ng maayos. . . Salamat sa inyo @munkeymusic @remzamora2 @mykesalomonfool @sayawdaniel @ekangarooo @marianograles @roysanluis @direkbert ???????????? Salamat sa pasensya, salamat sa tiyaga, salamat sa bagong disiplina na itinuro ninyo sa amin, salamat sa pagmamahal, salamat sa tiwala na magagawa namin ito at salamat sa pag share ninyo sa amin ng inyong wisdom, kaalaman, at talento. Higit sa lahat, humihingi ako ng paumanhin. Alam kong hindi kami madaling turuan dahil sa dami at gulo namin pero never ninyo kaming sinukuan. (nasisigawan lang!!) ???????????? mahal ko kayo and you have my utmost respect. . . At sayo Kuya @michaelbitoy it is an honor and a privilege to share the stage with you. Salamat sa tiwala mo sakin. At salamat dahil never mong ipinagdamot ang iyong mga nalalaman at galing. Thank you for being a mentor and a friend. ???? . . Cheers!!! ???????????? Happy 22nd Year mga Ka-Babol.!! ???????????????????????? #AndCounting #JustChewIt #ChewPaMore ????

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

 

Looking forward naman si Bitoy na makasama pa nang matagal si Paolo Contis sa show.

 

 

Ilan lamang sa celebrities na nag-react sa performance ni Paolo ay sina LJ Reyes at Dingdong Dantes.