
Hindi napigilan ni Kapuso actress Pauline Mendoza na maging emosyonal nang magkuwento tungkol sa kanyang pamilya.
Only child si Pauline, kaya very protective daw sa kanya ang kanyang mga magulang.
Hinuha niya, dahil ito sa kambal na lalaking dapat sana ay mga nakakatandang kapatid niya kung nabuhay ang mga ito.
"Premature babies po sila so hindi po sila nabuhay. 'Yung isa po, nag-last ng three months and 'yung isa po, two weeks lang," kuwento niya.
Noong nakaraang taon, na-diagnose ang kanyang ina ng stage 3 breast cancer. Ayon kay Pauline, itinago daw ito ng kanyang ina mula sa kanila.
"Napansin ko po kasi, parang lagi siyang pumupunta ng hospital. Lagi lang niyang kasama 'yung friends. Magpapa-check up daw 'yung friend niya, 'yun pala siya na 'yung chine-check up. Nakakaloka," aniya.
Mag-isa din daw itong nagpa-opera.
"Noong nalaman namin na may bukol siya, nagpatanggal siya mag-isa. Pag-uwi na lang niya, na-operahan na siya," kuwento ni Pauline.
Hindi naman niya napigilang maging emosyonal nang magbigay ng mensahe sa kanyang ina.
"Kaya namin 'yan. Malalampasan namin and naniniwala ako na gagaling siya," naluluha niyang pahayag.
Panoorin ang feature ng proramang Tunay Na Buhay kay Pauline: