What's Hot

WATCH: PCOO Asec Mocha Uson, may buwelta kay Miss International Philippines Mariel de Leon

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 18, 2017 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba sinagot ni Assistant Secretary Mocha Uson ang pambabatikos sa kanya?
Itinalagang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang dancer-turned-blogger na si Mocha Uson. Marami ang bumatikos sa appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mocha Girls lead vocalist.
 

Isa sa kumuwestiyon sa kanyang appointment ay ang anak nina celebrity couple Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Miss International Philippines 2017 Mariel de Leon at tila nag-viral pa ang kanyang mga hinaing.

WATCH: Miss International PH Mariel de Leon defends self over viral tweet on Mocha Uson 

Mahinahon na sinagot ni Mocha ang issue sa Unang Hirit, “Sinabi ko naman sa kanya na I respect her opinion, kalayaan niya iyon at gagawin ko ang the best ko para sa bayan at para sa kanya. Open naman po ako sa mga kritisismo.”

 

Maraming salamat po Unang Hirit sa pag bati sa aking kaarawan at sa mga bukaklak! Mahaba-haba pa po ang araw natin...

Posted by MOCHA USON BLOG on Tuesday, May 16, 2017

 

Saad pa ng dating sexy dancer sa mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan, “Sanay na po tayo sa mga bashers kasi kahit ano naman ang gawin natin, meron at meron silang masasabi pero hindi ko na po pinag-aaksayahan ng oras iyan dahil napakadaming problema ng bayan natin.”

Pinagtutuunan na lamang daw niya ng pansin ang totoong problema ng Pilipinas, “’Yung mga OFWs na humihingi ng tulong, so doon na lang po ako naka-focus sa mga taong nangangailangan ng tulong.”

Si Mocha raw ang magiging tulay ng netizens sa pamamagitan ng paggamit ng social media upang makarating ang kanilang mga hinaing sa Malacañang.

Video from GMA News

MORE ON MOCHA USON:

READ: Mocha Uson breaks silence about her appointment as assistant secretary of PCOO

READ: GMA Network TV exec, nagsalita tungkol sa “no to soft porn” policy na isinusulong ni Mocha Uson 

WATCH: Mocha Uson, sinagot ang kanyang bashers