
Last Sunday sa All-Star Videoke, nakipag-rakrakan sina Jeric Gonzales, Maui Taylor, Fabio Ide, Sheree, Le Chazz, at Beki La Fea upang makuha ang ASV defending champion title mula kay Ruru Madrid. Ngunit bago sila mapunta sa semi-finals round, kinailangan muna nilang umapela sa mga all-star laglagers na sina Boobay at Pekto para hindi sila ihulog sa butas ng kapalaran.
Panoorin ang mga kani-kanilang istilo upang hindi malaglag below:
Sina Sheree at Maui Taylor pa nga ay humalik kay Pekto!
Ngunit sa huli ay nanatiling kampyon si Ruru at muli siyang sasabak sa All-Star Videoke para sa kaniyang fourth at final week.
Mapapalanunan kaya ni Ruru ang brand new car na jackpot prize? Abangan 'yan next Sunday sa All-Star Videoke.