
Alam namin na na-miss ninyo ang kuwelang pamilya ni Pepito Manaloto, mga Kapuso. Kaya handog namin this Saturday night ang isa na namang nakaka-good vibes at puno ng aral na kuwento mula sa award-winning Kapuso sitcom.
Tampok this week ang sinisikreto ng bida nating milyonaryo na binili niya online. Ano ang dahilan bakit ayaw ipaalam ni Pepito sa asawa na si Elsa ang bagay na binili niya through online shopping????????
Makikita na ba natin mga Kapuso ang pagbabago kay Tommy this week.??????? Bagong buhay na kaya ang tusong boyfriend ni Mara, dahil sa kaniyang bagong business o isa na naman itong malaking scam?
Bibida sa patok na sitcom ang mga Kapuso primetime stars na si Lovi Poe at Jason Abalos na hindi niyo dapat palagpasin!
Mag-relax this Saturday kasama ang buong pamilya habang nanonood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.