
Macha-challenge ang bida nating milyonaryo nang hindi na-impress sina Chito at Clarissa sa magic trick na ipinamalas niya.
Kaya si Pepito hahanapin at magpapaturo sa isang magician na si The Amazing Zandro.
Magawa naman kaya niya mapa-wow ang mga bata matapos mag-aral sa ilalim ng isang legit magician?
Manghihina ang nanay ni Deedee na si Mimi at dahil kuripot ayaw nitong magpatingin sa ospital.
Para makatipid, pinayuhan ni Tommy na i-research na lang niya sa Internet ang kaniyang sakit. Ano’ng gagawin ni Mimi kapag ang sintomas ng sakit niya ay nag-match sa isang malubhang karamdaman?
Ngayong Sabado, sabayan ang buong bayan sa pagtawa sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.