What's Hot

WATCH: Pia Wurtzbach, sinabing ang bashing ang biggest challenge bilang Miss Universe 2015

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 11:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



How did Queen P deal with her bashers?


Malayo na ang narating ng Pinay pride na si Pia Wurtzbach mula nang sumabak siya sa Binibining Pilipinas beauty pageant ng tatlong beses hanggang nakoronahan bilang Miss Universe 2015. 

 

A photo posted by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on


Ayon kay Queen P, mahal na mahal niya ang kanyang trabaho bilang Miss Universe at hindi siya gaano nahirapan sa kanyang pinagdaanan maliban na lang sa pag-handle ng mga bashers.
 
WATCH: Pia Wurtzbach appeals to everyone not to bash Miss Universe candidates
 
“Noong simula pa lang ng reign ko, dahil nga dun sa nangyari sa announcement, ‘yung sa nagkamali, marami na kaagad kasi marami ang na-upset na ibang bansa,” kuwento ng dalaga patungkol sa pagkakamali ni American TV host Steve Harvey sa pag-anunsyo kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang winner ng kompetisyon.
 
Hindi lang ang American comedian ang binatikos, pati na rin ang Filipina beauty na siyang kinoronahang reyna na aminadong nasaktan sa mga pangyayari.
 
“May ilang beses na medyo personal na kasi parang wala naman sila sa araw-araw na buhay ko para [mahusgahan]. Ang masakit pa, minsan galing pa sa mga kapwa Pilipino,” saad ng actress-turned-beauty queen.
 
Kitang-kita rin daw ito kay Miss Universe Philippines Maxine Medina, “‘Yun lang ang nakakalungkot na alam [mong] ginawa mo na nga ang lahat [para] maging masaya ‘yung bansa mo para sa iyo pero parang kulang pa rin.”
 
LOOK: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach comforts Miss Philippines Maxine Medina
 
Taas noo niya itong hinarap tulad ng isang totoong reyna, “Natuto na ako na hindi masyadong pansinin ‘yun kasi ako si Pia, Miss Universe ako at okay naman ako sa organization at sa mga boss ko, bakit ako mag-aalala?”
 
Talagang nag-iwan ng legasiya si Queen P, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa nakaraang 65th Miss Universe competition ay ipinasa na ni Pia ang kanyang korona kay Miss France Iris Mittenaere bilang Miss Universe 2016.


Video courtesy of GMA News

MORE ON PIA WURTZBACH:
 
WATCH: Pia Wurtzbach’s final walk as Miss Universe 2015
 
WATCH: Miss Universe Organization President Paula Shugart, bilib kay Pia Wurtzbach
 
WATCH: What’s next for Pia Wurtzbach after her Miss Universe reign?