What's Hot

WATCH: Pinoy Once, nag-enjoy sa all-out performances sa concert ng KPop group na TWICE

By Cara Emmeline Garcia
Published July 1, 2019 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Nakabibinging tilian ng Pinoy Once, ang tawag sa fandom ng TWICE, ang sumalubong sa K-Pop group sa kanilang one-night concert sa Mall of Asia Arena noong Sabado, June 29.

Nakabibinging tilian ang sumalubong sa K-Pop group na TWICE sa kanilang one-night concert sa Mall of Asia Arena noong Sabado, June 29.

Photo by: manilaconcerts (IG)

Maliban diyan, ipinakita rin ng kanilang fans ang kani-kanilang candy bongs o ang official light stick ng grupo.

Nang magsimula ang concert, todo hataw agad ang nine-member group na kinabibilangan nina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu.

3시간동안 열정 넘쳤던 MANILA콘🙌💖 흥에 목소리에 다 짱이었어요!👍 Salamat ngayon! Babalik kami💜

A post shared by TWICE (@twicetagram) on

Mapapansin din sa concert na may eye patch si Jeongyeon at may bandage sa leeg si Nayeon. Pero 'di nila ipinakita ang pagod sa kanilang fans habang sinasayaw ang kanilang hit songs tulad ng “TT,” “What is love?,” at ang kanilang title track na “Fancy.”

Nagpakitang gilas din ang bawat miyembro sa kanilang galing mag-Tagalog na tunay na ikinatuwa ng mga Pinoy Once, o ang tawag sa fandom ng KPop group.

Ipinangako ng grupo na babalik sila sa Pilipinas sa darating na taon.

Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:

WATCH: TWICE shows bolder and mature style in “Fancy” music video