What's on TV

WATCH: Powerhouse cast, bibida sa bagong Kapuso serye na 'Pamilya Roces'

By Bea Rodriguez
Published July 12, 2018 1:03 PM PHT
Updated October 4, 2018 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Sino-sino nga ba ang artista na mapapanood sa pinakabagong serye ng GMA?

The all-star cast of Pamilya Roces is here! Abangan ang pinakabagong teleserye sa GMA, #PamilyaRoces.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Very powerful ang cast at ang kuwento ng pinakabagong serye ng Kapuso network, ang Pamilya Roces.

Pinagbibidahan ito ng bigating Kapuso stars na sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Winwyn Marquez, Elizabeth Oropesa, Gloria Diaz, Snooky Serna, Mika dela Cruz, Rocco Nacino, Christian Bautista, Roi Vinzon at ang mga bagong Kapuso na sina Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz.

“Seryoso ito. It's a family drama. Mabigat ito, malalim ang kwento at maraming sikreto,” bungad ni Carla sa story conference ng series.

Matinding paghahanda naman ang gagawin nina Gabbi at Wyn.

“Pinaghahandaan ko siya talaga, especially with the powerhouse cast. Nakaka-excite makatrabaho 'tong mga magagandang girls na [itinuturing kong] mga sisters ko. This is the comeback project of Direk Joel Lamangan so I'm really, really happy to be part of it,” saad ng Kapuso Millennial It Girl.

Si Reina Teresita naman raw ay kinakailangan pang lumevel up, “Kailangan humanap ako ng way kung paano maipapakita na kaya kong sumabay sa kanila.”

Sina Jasmine at Shaira ay excited sa kanilang unang proyekto sa GMA.

“'Yung first kong gagawin is hindi siya basta lang na pinasok ako. They really wanted it to be a special project na magiging parte ako kasi they believe naman talaga in me so napaka-thankful kasi nararamdaman mo 'yung worth mo at saka value mo sa kanila,” pahayag ni Jas sa Unang Hirit.

Mixed emotions naman si Shaira, “Nakaka-excite at the same time nakakakaba.”

Mga Kapuso, abangan ang newest Primetime offering ng GMA! Soon!