Celebrity Life

WATCH: 'Prima Donnas' star Aiko Melendez, inaming ipinagdarasal na magkatuluyan sila ng kanyang boyfriend

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 16, 2019 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH skateboarders win gold as Kayla Sanchez continues SEA Games dominance
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



"Feeling ko naman, in my heart, ito na 'yun e...Dito ko lang naranasan kay Vice Gov 'yung parang ang haba ng hair ko." - Aiko Melendez

Aminado ang Prima Donnas star na si Aiko Melendez na ipinagdasal niya na sana ay magkatuluyan sila ng kasalukuyang nobyo niya na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.


Paliwanag ni Aiko, ramdam niyang sila na talaga ang magkakasama habang buhay dahil mabait ito sa kanyang pamilya at mga anak.

"Feeling ko naman, in my heart, ito na 'yun e," pag-amin ni Aiko sa kanyang mga kaibigan na sina 'Sarap 'di ba?' host Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Candy Pangilinan.

"Marami kaming away pero ito lang kasi 'yung lalaking hindi ako matiis. 'Yung lahat ng sumpong ko, kaya niya.

"'Pag alam niyang wala ako sa mood, he lets me be. 'Pag alam niyang galit ako, susuyuin ako.

"Dito ko lang naranasan kay Vice Gov 'yung parang ang haba ng hair ko."

Inamin din ni Aiko na mag pagka-seloso ang kanyang nobyo.

"Pero ang prayer ko lang, sana bawasan niya 'yung pagiging seloso niya," ani Aiko.

"Kasi minsan hindi niya maintindihan talaga [yung pagiging artista] so I have to explain everything, hinihimay-himay ko sa kanya."

Panooring ang nakaka-aliw na bukingan nina Aiko, Carmina, Gelli, at Candy: