What's on TV

WATCH: 'Prima Donnas' tween stars may ibinuking sa isa't isa

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 16, 2019 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



May mga ikinuwento ang 'Prima Donnas' stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo tungkol sa isa't isa. Sino nga ba ang Pinaka...?

Magkakasama ang apat na tween stars ng GMA na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo sa pinakabagong handog ng Kapuso Network na Prima Donnas.

Sofia Pablo, Jillian Ward, at Althea Ablan
Sofia Pablo, Jillian Ward, at Althea Ablan

Kuwento nila, pinakamatakaw sa kanilang apat si Elijah, ang gumaganap na kontrabida na si Brianna.

Pagturo ni Jillian, "I-ra-rank ko. Si Elijah, ako, si Althea, si Sofia."

Sa tanong naman kung sino ang pinakamaingay, si Elijah pa rin ang sagot nina Jillian, Althea, at Sofia.

"Bat ka ba madaldal?" tanong ni Jillian kay Elijah.

Sagot ni Elijah, "Ang dami kong kwentong baon e."

Ibinuking din ng apat kung ano ang kanilang paboritong past time kapag wala silang ginagawa sa set.

Alamin 'yan sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:



Abangan ang world premiere ng 'Prima Donnas' ngayong Lunes, August 19, sa GMA Afternoon Prime.