
Ilan sa mga dating cast ng Mulawin ay makakasama ulit natin sa sequel na Mulawin VS Ravena. Marami ang pagbabago sa kuwento kabilang na ang mga bibida sa upcoming Primetime fantasy series.
Fast forward sa taong 2017, labindalawang taon ang lumipas bago mapanood ang muling paglipad ng pinakabagong telefantasya ng Kapuso network na malapit nang ilunsad sa himpapawid.
Ang ilang cast nito ay sumabak sa #PubertyChallenge kagaya ni Kapuso Primetime Prince Miguel Tanfelix na noon ay isang limang taong chikiting lang pero ngayon ay malaking Pagaspas na na makakapareha ni Lawiswis o ni Kapuso Primetime Princess Bianca Umali.
“Sobrang saya ko dahil ngayon may preparations na. Dati, hindi pa ako marunong magbasa ng script [at] binabasa lang sa akin. Noong five years old ako, parang laro lang sa akin. Abangan niyo kung ano'ng mga kayang i-sacrifice ni Pagaspas para sa kaibigan niyang si Lawiswis,” kuwento ng young actor sa Unang Hirit.
LOOK: Miguel Tanfelix, nakisali sa #PubertyChallenge fad
Pasok rin sa “#PubertyChallenge: The Mulawin Edition” ang bagito dati pero matinee idol na ngayon na si Kapuso leading man Dennis Trillo na gaganap pa rin bilang si Gabriel.
“Sobrang mahalaga sa akin ang project na ito dahil ‘yung original na Mulawin [ay] isa sa pinakauna kong show sa GMA. Mula doon sa totoy na Gabriel [na] naging Ravena, dito naman hari na siya ng mga Ravena so makikita niyo ‘yung transformation,” saad ni Dennis.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':
WATCH: Dennis Trillo, bakit kabado sa paghahanda sa biggest Kapuso telefantasya series na ‘Mulawin versus Ravena’?
MUST-READ: ‘Mulawin versus Ravena’s’ official cast announced
IN PHOTOS: ‘Mulawin’ cast: Where are they now?